Monday, 12 March 2018

TRISTE NAVIDAD


El Filibusterismo


Kabanata 8 - Maligayang Pasko

Tauhan: 

  • Juli - Anak ni Kabesang Tales at ang kasintahan ni Basilio 

  • Tandan Selo - Ama ni Kabesang Tales na ang tanging kagustuhan lamang ay ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.
MAIKLING BUOD:


Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito. Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang.
Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang upang mamasko.Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi. 

"TRISTE NAVIDAD"

✌ Nangyari ito sa panahon ng pasko kung saan sa panahong ito, maraming tao ang gusto makapiling ang kanilang mga pamilya na punong puno ng pagmamahal at kasiyahan. Maliit lang na bagay ang hinihingi ng mga tao tuwing pasko, ang kumpletong pamilya. Pero sa karanasan ni Julia sa mga panahong ito, hindi niya nararamdaman ang kaluluwa na magdiriwang ng pasko dahil sa nangyari ng kanyang pamilya kaya siya nawalan ng saya. Kahit mga bata, hindi malaking bagay ang kanilang gusto at simple lang naman ang gusto mangyari ng mga bata tuwing pasko at ito ay makatanggap ng regalo mula sa mga kamag-anak, pinsan at iba pa. Sobrang bigat ang nadarama ni Juli dahil alam niya na kailangan niya gawin kung anong dapat gawin upang makatulog ng pamilya sa kanilang problema. Lalong lalo na si Tata Selo na hindi na makapagsalita, kahit isang salit ay hindi lumalabas ng kanyang bibig. 
Ang suliranin na hinaharap ni Juli dito sa nabanggit na kabanata ay tungkol sa pagiging malungkot na hindi na kinikinilala kung ano talaga ang layunin nang pagiging masaya. Kahit mapalayo nang pamilya dahil sa trabaho, hindi dapat malunod nang kalungkot dahil ito ay nagdudulot ng maraming epekto sa buhay at hindi ito mabuti sa kalagayan ng isang tao. At dahil narin mataas ang pamantayan nila kung ano talaga ang totoong ibig sabihin ng pagiging masaya. Sa sobrang lungkot, humahantong ito sa tinatawag nating depression. Dahil wala nalang ibang iniisip kundi ang mga negatibo na bagay.
Ang isyung panlipunan na ating mahahambing sa kabanatang ito ay ang sobrang bigat na nadarama ni Julia dahil sa patong patong na problema kagaya ng kanyang ama at ni tatay selo. Hindi niya guston malayo mn sa pamilya pero kailangan niya itong gawing upang makatulong. Ang isyu na matutulad natin dito ay ang depresyon sa mga kabataan ngayong panahon. "Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga bata at teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari silang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad." Ang depresyon ay mas malala kapag nagsimula ito bago sa edad na 12 o 14 at hindi resulta ng partikular na kaganapan. Sa kabataan, parehong mga batang lalaki at mga batang babae ay kapwang nasa peligro. Sa panahon ng mga taon ng kabataan ngayon, ang mga batang babae ay doble ang lamang kaysa sa mga batang lalaki na magkakaroon ng depresyon. At hindi ito biro biro lamang na sinasabi at pinapahayag. Marami na ang mga ulat patungkol sa mga kabataan na hinaharap ang ganitong problema sa kanilang sarili at hindi ito madali sa kanila. Mabigat ang damdamin at walang kasayahan ang nararamdaman. Maaring ito ay dahilan ng ibat ibang aspekto lalong lalo na sa mga masakit nangyari sa buhay.
Huwag tayong malulong sa sobrang kalungkutang nadarama dahil hindi ito mabuti. At kung maari, sabihin ka agad sa pamilya at kung sino man ang gustong sabihan na kumportable kang mag kwento sa iyong mga nararadaman. 


No comments:

Post a Comment